Archive for February, 2007

BOOK ko

Noong isang linggo, thursday, naisipan kong bumili ng libro. Sa book sale, una, dahil mura dun, pangalawa, dahil mura dun, pangatlo, dahil mura pa rin dun. Kahit na medjo my pagka luma ang ibang libro doon at ung iba pa my mga punit sa gilid marami rin namang good as new ang itsura o kaya meron din namang talagang bago pero mura parin talaga kumpara sa national bookstore.

Matagal ko ng binabalik-balikanang isang libro doon sa national bookstore. At feel na feel ko talaga syang basahin. Gusto ko talaga syang basahin. Kaya lang nung nakita ko ang presyo 715.00 pesos. Nakakabutas bulsa. Kaya naisapan kong tumingin -tingin ng ibang mga libro nalang sa booksale na may parehong thought dun sa librong gusto kong basahin at binggo nakakita nga ako sa halagang 40 pesos lang.

Wow hanep great deal talaga. Dahil sa sobrang namurahan talaga ako sa libro at sa tingin ko ay talagang ka engga enggayo namang basahin, pumili pa ako ng isa pero sa pag kakataong ito naman mas mura sya ng limang piso. 35 pesos lang sya. At maganda rin naman at bagong bagong pa ang itsura.

Nakakatuwang isipin na pwede palang bumili ng isang magandang libro sa napakamurang halaga lng. Maraming nagsasabi saakin na mas mura daw ang mga libro sa recto pero ung iba daw mga kulang kulang na ang mga pahina syempre karamihan ay mga secondhand books na at kung minsan pa ay thirdhand books na. Kaya naisipan kong huwag nalang magpakapagod na magpunta sa recto.

Kung minsan naiisip ko bakit may mga taong hindi marunong magpahalaga sa libro? Siguro yan ay dahil lang sa ating mundo ngayon ay mabilis ng magbago at marami naring tao ang mga nawawalan ng interes sa pagbabasa dahil sa mga bagong lumalabas na mga electronic gadgets.

Ang libro ang nagdadala sa atin sa kung saan natin gusto na makarating ang ating mga utak. Dapat pahalagahan at dapat ingatan.

Advertisements

Leave a comment »

Unang Homerun

Yiihha!

Simula ng tumungtong ako sa highschool hindi pa ko nakakahomerun tuwing maglalaro kami ng Softball. Shiznit.

Until kanina. Woohoo! First Homerun

Hindi naman talaga ito ang first homerun ko sa buhay ko. Nakahomerun na din naman ako noong elementary pa ako.

Masaya talaga ako.At least bago man lang ako gumraduate sa march, nakahomerun na ako ngayong highschool. At least ha at least.

Hindi naman talaga ako sports minded na tao so hindi talagaito sobrang malaking bagay. Pero eto masaya nga ako.

Hassle kasi na injured ata ako ng hindi ko napapansin. Sumakit yung balakang ko kanina after. Matagal na kasi akong di nakakapagjogging. Mga limang araw na. Ang tagal na nun no?Matagal ng hindi nababanat buto ko. haha!

Bokas magjajageng na ako!

Leave a comment »

I passed

Yihaa!

Nakapasa ako USTe. Oo mababaw lang ang kaligayahan ko. At kahit sa mga maliliit na bagay lang natatawa na ako.

Kanina sa library may nakita akong nakakatawa. Hindi naman talaga nakakatawa. Natawa lang talaga ako ng malakas dahil matagal na akong hindi tumatawa ng malakas talaga.

Ang nakakahiya lang inisip ata nung tao na tinatawanan ko ung itsura nya. I feel bad for the person. Di ko naman sinasadya, talagang masaya lang talaga kanina.

Bahala nalang syang umintindi. Basta para sakin hindi ko sya tinatawanan talaga 😉

Leave a comment »

Pagod

Kauuwi ko lang mula sa isang nakakapagod na paglalakbay. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil malayo ang aking narating o dapat ba akong malungkot dahil naranasan ko ang kahirapan sa loob ng nakaraang limang araw.

Ikaw ba naman, matulog sa bus at hindi mo alam ang ipoposisyon mo dahil nag-aalala ka na baka magalit ang iyong katabi dahil sa likot mo o kaya naman baka mahigaan mo sya at iba ang isipin nya.

At habang naglalakbay kayo wala kang ibang naririnig kundi ang ingay ng mga indonesians na hindi mo man lang maintindihan kahit isang sinabi nila. Iritang irita ka na pero hindi mo alam kung pano ka magrereklamo dahil natatakot kang mapahiya at pagkaisahan ng mga indonesians na sinumbong mo.

At tuwing umaga naguunahan kayo sa CR dahil limitado lang ang oras sa pag ligo at malapit nang mawala ang tulo ng tubig sa gripo.

Hindi ka makapagblow-dry ng buhok dahil sa palagi kang minamadali.

Kahit sa pagkain minamadali ka. Iniiwan ka na ng mga kaibigan mo dahil sa tagal mo.

Sino ba naman ang hindi mamimintala nyan?

Mahirap, mahirap palang mag road trip. Ayoko ng ulitin.

Okay pang maglakad ng walang hangan kesa marinig ang mga alingawngaw ng mga ponyets na tao.

Leave a comment »