Pagod

Kauuwi ko lang mula sa isang nakakapagod na paglalakbay. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil malayo ang aking narating o dapat ba akong malungkot dahil naranasan ko ang kahirapan sa loob ng nakaraang limang araw.

Ikaw ba naman, matulog sa bus at hindi mo alam ang ipoposisyon mo dahil nag-aalala ka na baka magalit ang iyong katabi dahil sa likot mo o kaya naman baka mahigaan mo sya at iba ang isipin nya.

At habang naglalakbay kayo wala kang ibang naririnig kundi ang ingay ng mga indonesians na hindi mo man lang maintindihan kahit isang sinabi nila. Iritang irita ka na pero hindi mo alam kung pano ka magrereklamo dahil natatakot kang mapahiya at pagkaisahan ng mga indonesians na sinumbong mo.

At tuwing umaga naguunahan kayo sa CR dahil limitado lang ang oras sa pag ligo at malapit nang mawala ang tulo ng tubig sa gripo.

Hindi ka makapagblow-dry ng buhok dahil sa palagi kang minamadali.

Kahit sa pagkain minamadali ka. Iniiwan ka na ng mga kaibigan mo dahil sa tagal mo.

Sino ba naman ang hindi mamimintala nyan?

Mahirap, mahirap palang mag road trip. Ayoko ng ulitin.

Okay pang maglakad ng walang hangan kesa marinig ang mga alingawngaw ng mga ponyets na tao.

Advertisements
%d bloggers like this: