Archive for June, 2007

Hotta summerrr

Malapit na matapos ang summer at nagsisimula naring umulan. Mas gusto ko ang rainy season kaysa sa dry season. Kapag maulan may rason para hindi pumasok, may rason din para matulog nalang at matulog. Ang hindi ko lang gusto pag tag ulan na ay ang baha.

Next month lilipat na ko sa manila at mejo mabaha sa lilipat kong lugar. Pano pag tag ulan na at bumaha at nasa labas ako ng bahay tapos nag kataon pa na nahulog ako sa manhole? Pano nalang malalaman ng pamilya ko kung nasan na ko?..haha Palagi ko yang iniisip tuwing gabi bago ako matulog. Minsan kinakatulugan ko na nga pag-iisip tungkol dun. Kung minsan natatawa ako kung bakit naiisip ang ganong mga bagay. Kapag wala akong magawa minsan palagi kong tinatanong saking sarili kung pano kaya ako mamatay o kung ano kaya ang itsura ko kapag patay na ako, kung ano ang suot ko, kung saan ako ibuburol, at kung ano ang mararamdaman ng mga maiiwan kong mga mahal sa buhay.

Mga walang kwentang bagay kung tutuuusin pero saakin isang mahalagang bagay iyon.

Gusto ko sana kapag patay na ako kunin ng kahit sinong nangangailangan ang kahit anong laman loob ko na kailangan nila para mabuhay pa ng matagal. Kung mata, tenga, o bituka man wala akong pake basta mapakinabangan lang nila ang kahit anong parte ng katawan ko tutal di ko rin naman un magagamit kung saan man ako papunta.

Dapat ang post na ito ay tungkol sa aking nagdaang summer kaya lang iba naman ang pumasok sa isip ko ng nagsimula na ko sa pag ttype kaya itinype ko nalang ang kahit anong pumasok sa isip ko. Di ko narin babaguhin ang title tutal mainit naman talaga ang summer ngayon.

Advertisements

Leave a comment »