BOBO ni BOBA

Ngayon ko lang na-realize na ang bobo ko pala. May mag bagay na kung tutuusin naman ay napakadaling intindihin pero ako hindi ko maintindihan. Wala namang masyadong dahilan para mag self pity ako ng ganito. Tatlong linggo na akong umiinom araw-araw at hindi parin nawawala ang depression na nararamndaman ko.

Kulang pa ba ang mga kaibigan akong handang tulungan ako?
o kulang lang talaga ang kakayanan ng utak ko para ma-realize na may mga kaibigan akong handang umintindi sakin?

Na-tick off lang naman ako na mas lalong marealize na ambobo ko dahil sa result ng online quiz ko sa Economics. 8 out of 20 points lang ang nakuha ako at partida may hawak pa akong module nun. Nagsisisi ako dahil puro cheating at kawalang hiyaan lang ang nasa isip ng mga oras na yun. E kung nagaral nalang sana ako bago ako nag quiz.  At ang pinaka nakakainis pa, pagkatapos ko mag quiz narealize ko ang dali naman pala nung quiz pero bakit ganun lang nakuha ko.

May mga bagay talaga dito sa mundo na sa unang tingin mo kala mo ang dali-dali lang pero kung titignan mo ng mabuti ay mahirap.

Advertisements
%d bloggers like this: