Archive for June, 2008

Friend ka ba?

Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng grupo ng mga kaibigan na hindi ko makukumpare sa dati kong mga kaibigan. Isang gropung may iba’t ibang clase ng tao na nagkakasundo kahit ano pa man ang desisyon ng isa’t isa sa buhay nila. Kanya-kanyang trip at kanya-kanyang mga pangarap. Ngunit isa lang ang importante sa kanila ang magkakasama kahit anong oras kahit ano pa man ang dapat gawin kahit mag cut ng class ok lang basta hindi lng mawalan ng kasama kahit isa. Hanep na samahan ng pinatibay na ng panahon, walang katulad.

Hindi ko naiisip ang sarili ko mapabilang sa grupo nila kahit noon pa dahil nga sa hindi ko sila kakclase o kahit ka-building man lang. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko na bumasag sa aking pagkatao, nakilala ko sila ng lubusan.

Tandang -tanda ko pa ang araw na iyon ala sais ng umaga, bilangan noon ng boto ng election sa unibersidad at wala pang tulog ang mga tao sa eskwelahan. Buong gabi akong nasa labas ng bahay at kung ano ano ang ginagawa para lang lumipas ang oras at hindi ito masayang. Ngunit dahil sa paghahanap ko ng ligaya na akala ko ay kukumpleto na sana ng aking pagkatao, nasaktan lang ako at nabigo. Naiwan nanamang magisa, luhaan, at di mapakinabangan.

Lumapit ako sa isang kaibigan na myembro ng grupong iyon dahil alam kong nangyari na sa kanya ang ganoong bagay na sumira din sa samahan nila ng iba nyang kaibigan sa kanyang kabataan at alam nya kung ano ang maipapayo nya sakin at maiintindihan nya kung ano pa man ang nararamdaman ko. At hindi nga nya ako binigo.

Sa araw ding iyon, wala pa akong tulog, niyaya nila akong makipagkita kay RH at DH, ang mga bagay na kahit simple lang ay lubos ng kumukumpleto sa mga araw nila. Kung tinuturing ko ang sarili ko na mababaw lang na tao, may mas pa pala saakin at natutuwa ako dahil hindi na ako nagiisa na hindi minsan naiintindihan ng aking mga kaibigan sa colehiyo dahil hindi ako madaling maapektuhan ng mga bagay na inaakala nilang masyado ng madrama.

Simula nga ng panahon na iyon ay kasama na ako sa kanilang mga tinatahak sa buhay. Madali akong pilitin sa mga bagay na kung minsan ay hindi ko talaga gusto pero dahil sa alam kong magiging masaya din naman ako ok na para sa akin. Nagkasundo kami at tumagal na ng ilang buwan. Tumibay lalo ang samahan at sa pagkakataong ito ay kasama na ko. Isang batang maliit ngunit mataas ang mga pangarap.

Simple lang akong tao, kahit nagkukulang minsan sa aking pag aaral ay hindi naman nagkukulang sa aking mga kaibigan. Friend ako. Ikaw? Friend ka ba? o Friend ka nga bang talaga?

Advertisements

Leave a comment »