Archive for Mga Punyeta

Spilled Milk

Did I really love you?
How come losing you was easy?
How come breaking up with you went so smooth?
How come tears don’t come down?
Where are they?
Have you dried my eyes all up before you go?
so that when its time for you to say goodbye they’d be ready?
Where is the pain they had all been crazy about?
Have you absorbed them all up for me to be safe and sound by this time?
I was just as how when I haven’t met you yet.
Have I really given you the best of me? Or you just had the smallest part of it?
Who’s unfair now? Was it you or me?
You, for being untruthful, or me for not feeling the pain I suppose to be feeling by now?
I believe I don’t hate you but Im not certain If I love you.
My mind just went completely blank after all,
so I guess I didn’t really love you.
I was just in love with the idea of being in love.

Advertisements

Comments off

Teamwork

PUTA.

“ok teamwork tayo team ha.walang mag encns(no call no show).Be positive tayo. Hangang 9 lang ako tonight.”

“Team Building tayo sa October. Prepare yourSELFS.”<====wahaha putangina ang galing uminglis

“tangina feeling team leader sya, hindi naman sya TEAM LEADER talaga.”

“wag ka sasama sa kanila, bata kapa malalason lang utak mo sa kanila.tsaka ang hilig nila manira, lahat ng newbie dito sinasabihan nila na wag sasama samin”<=====look who’s talking

“ncns(no call no show) ka kahapon ah, termd k na daw.”<====epal di naman ako tanggal

======>CGE mag team work tayo. Grabe I can feel the spirit.YEah Wooh GO TEAM. FTW!

Comments off

BOBO ni BOBA

Ngayon ko lang na-realize na ang bobo ko pala. May mag bagay na kung tutuusin naman ay napakadaling intindihin pero ako hindi ko maintindihan. Wala namang masyadong dahilan para mag self pity ako ng ganito. Tatlong linggo na akong umiinom araw-araw at hindi parin nawawala ang depression na nararamndaman ko.

Kulang pa ba ang mga kaibigan akong handang tulungan ako?
o kulang lang talaga ang kakayanan ng utak ko para ma-realize na may mga kaibigan akong handang umintindi sakin?

Na-tick off lang naman ako na mas lalong marealize na ambobo ko dahil sa result ng online quiz ko sa Economics. 8 out of 20 points lang ang nakuha ako at partida may hawak pa akong module nun. Nagsisisi ako dahil puro cheating at kawalang hiyaan lang ang nasa isip ng mga oras na yun. E kung nagaral nalang sana ako bago ako nag quiz.  At ang pinaka nakakainis pa, pagkatapos ko mag quiz narealize ko ang dali naman pala nung quiz pero bakit ganun lang nakuha ko.

May mga bagay talaga dito sa mundo na sa unang tingin mo kala mo ang dali-dali lang pero kung titignan mo ng mabuti ay mahirap.

Leave a comment »

Pagod

Kauuwi ko lang mula sa isang nakakapagod na paglalakbay. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil malayo ang aking narating o dapat ba akong malungkot dahil naranasan ko ang kahirapan sa loob ng nakaraang limang araw.

Ikaw ba naman, matulog sa bus at hindi mo alam ang ipoposisyon mo dahil nag-aalala ka na baka magalit ang iyong katabi dahil sa likot mo o kaya naman baka mahigaan mo sya at iba ang isipin nya.

At habang naglalakbay kayo wala kang ibang naririnig kundi ang ingay ng mga indonesians na hindi mo man lang maintindihan kahit isang sinabi nila. Iritang irita ka na pero hindi mo alam kung pano ka magrereklamo dahil natatakot kang mapahiya at pagkaisahan ng mga indonesians na sinumbong mo.

At tuwing umaga naguunahan kayo sa CR dahil limitado lang ang oras sa pag ligo at malapit nang mawala ang tulo ng tubig sa gripo.

Hindi ka makapagblow-dry ng buhok dahil sa palagi kang minamadali.

Kahit sa pagkain minamadali ka. Iniiwan ka na ng mga kaibigan mo dahil sa tagal mo.

Sino ba naman ang hindi mamimintala nyan?

Mahirap, mahirap palang mag road trip. Ayoko ng ulitin.

Okay pang maglakad ng walang hangan kesa marinig ang mga alingawngaw ng mga ponyets na tao.

Leave a comment »

Post

Sabi ko sa sarili ko iuupdate ko ito everyday, kaya lang hindi ko nagawa. Napako ang pangako ko sa aking sarili at sadyang ikinalungkot ko talaga. Malungkot na malungkot at sobrang lungkot.

Punong-puno ng lungkot ang puso ko. At malungkot na malungkot at sobrang lungkot.

Marahil dahil ito sa hindi ko pagtupad sa aking pangako sa aking sarili.

Dahil dyan, naisip kong iupdate na talaga ito araw-araw at araw-araw ng aking buhay.

Nakakainis year of the pig ang 2007 so siguro ibig sabihin in na in ngayn ang mga mataba ang pagpapataba.

Pangarap ko pa namang magkaroon ng katawan tulad ng kay Jessica Alba. Ponyets, napurnada pa.

Siguro mas mabuting hayaan ko na lang na lumobo ako. Baka sa susunod na taon uso na ang payat.

Leave a comment »

Punyets

Dahil sa may pagkatanga ako hindi ko maintindihan kung ano ba ang kaibahan ng spyware, spam, worm, at virus. Hindi ko alam kung pare-pareahs lang ba ang mga iyan. Ang punyetang PC ko ay na-infect daw ng spyware. Ano nga ba un? Ewan bahala na. Bahala na si PC express.

Nakakainis kc karereformat lang ni PC tapos ganito nanaman ang nangyari.

Dati sangkaterbang virus ngayon naman ay spyware naman.

Anong klaseng mga salot ba sila?

Hindi nakakatuwa talaga.

Dahil sa tinatamad nanaman ako next year ko na ipapaayos si PC.

Leave a comment »